Wednesday, March 25, 2009

ang sipag ng natsci prof ko!

Hindi ko alam kung may ibang buhjay pa si Sir Ancog bukod sa pagtuturo ng Natsci dito sa UP. Ewan ko doon kung bakit ang sipag niyang magpost ng mga messages at files sa yahoogroups sa natsci. hindi ko naman siya masisisi, responsibilidad niya iyon. at least dapat pabor pa iyon sa amin para hindi na namin kailangang kumopya ng lessons. sa bagay, paperless class nga daw para iwas global warming. Environmental science pa naman ang subject. siya lang ang geology subject na masyadong napapapampered ang mga estudyante. hindi lang siya masipag sa pagpopost ng mga lessons sa internet. masipag din siya magresearch ng mga topics para sa amin upang maging lessons. minsan nga click ka na lang sa mga links sa ibinibigay niya tapos na ang problema mo. saan ka pa makakakita ng prof na tumutulong maghanap ng reference sa report niyo. masipag din siyang magsalita sa klase. buong isang oras at kalahati siya na lang ata ang nagsasalita. hindi ko alam kung advantage 'yon sa amin para less energy spent pero pano naman ang recitation namin. gusto ko rin naman iyong napapakinggan kami sa klase nya. tanggap namin magaling siyasa subject, geologist sya eh. pero paano naman kami matututo mula sa experience ng bawat isa sa amin kung siya na lang palagi ang nagsasalita. nagpapaulan pa naman siya kung minsan. madali naman siyang magpa- exam. hindi ako makapaniwala na hindi ako nakapag- aral dahil may sakit ako ay naka 1.5 pa ako. hindi naman ako masyadong nakikinig sa mga lecture niya. masasabi kong boring ang lecture niya. paano kasi walang interaction. siya at siya na lang palagi. pero huwag ka. may nagkaka- crush akong blockmate sa pagka- nerd niya. hahaha. ewan ko ba kung anong nakita ni Ken sa kanya. pero mabait naman siya sa lahat ng bagay basta lang sa klase dapat siya ang bida.

created: jan 24, 2009

Depress Mode

Last time nakuha ko na naman ang resulta ng eksam ko sa Organic Chem. Nanlumo ako sa resulta nito. Wala pa akng eksam na umaabot sa kalahati ng buong score. Minsan tuloy naiisip kong patapon na talaga ang buhay ko. hindi naman sa boboako sa chem o hindi ako nag- aaral. Top naman ako sa Chemistry noong high school at sa katunayan two weeks bago ang exam nag- aaral na ako. Ewan ko ba. Evey exam na lang lahat ata ng tanong out of this world. Hindi ko man lang makita sa mga tanong ang pinag- aralan o mga binasa ko. Nakakainis na. syempre hindi lang naman ako ang nakakaramdam nito dahil marami kaming halos isumpa ang Chem. Ewan ko ba kung bakit may mga professor na misyon ata sa buhay ang pahirap ang mga estudyante nila. Meron din naman ibang mababit at hindi pahirap. Ewan ko kung sa subject lang iyon? Kulang na lang pasukin ko lahat ng simbahan ng nakaluhod para lang pumasa naman. Marami kaming may problema pero tuwoing nakikita ko ang mga kaklase ko madali sila maka- get over. Minsan nga kahit sa panaginip minumulto ako ng Chem. Pero alam ko may awa pa sa akin ang Diyos (sana nga). Feeling ko tuloy napaka- hopeless ko. buti pa si Franz sabi n Janine magpapakamatay daw kapag bumagsak doon. Kasi naman sangkatutak na nerd ‘yon (bitter). Hindi naman ako masyadong bitter kay Rykee lang. hindi ko kasi alam kung anong lamon ang ginagawa niya sa libro para makakuha ng 95 sa subject na ‘yon. Pero sabi ni Sir Atong may pag- asa pa daw ( sana nga ulit). Iyon na nga lang ang ipinagdarasal ko tuwing magsisimba ako. Magmula ngayon magpaptutor na talaga ako sa LRC. Hindi ko naman kasi alam kung paano ang mga procedures nila. Kukumbinsihin ko na lang ang mga blockmates ko na samahan ako. Sana naman pumasa na ko this time. Lord gusto kop o mag- proper na!
created: jan. 2009

BAGONG TAON, BAGONG PANIMULA

Masasabi kong mas masaya ang pasko keysa sa bagong taon. Hindi lang dahil sa mas maraming handa dito kundi dahil na rin mas marami kaming bisita at mas magulo ang bahay. Naghanda din kami kahit kaunti para sa bagong taon ngunit hindi ito kasindami noong pasko. Akala kasi naming ay darating pa rin ulit ang mga pinsan ko at dito magbabagong taon. Hindi ito ng unang bagong taon na wala ako sa bahay dahil na rin hindi kami doon madalas nagbabagong taon kundi sa bahay ng kapatid ng mama ko. Mas marami kasing tao doon at isinasabay na rin namin sa reunion. Malungkot lang ako ng kaunti kasi hindi ko kasama ang pamilya ko ngayon. But then, I have to sacrifice. Kailangan mag- aral eh. So I’m just going to make it a fruitful and exciting new year. Sabi nila its how you spend the day naman. Bagong taon na naman at as usual my new year’s resolutions. Kaso ang sipag ko kasi. Masipag akong gumawa noon pero masipag din akong labagin yon. Feeling ko 3 months pa lang susuko na naman ako. An0o ba ang new year’s resolution ko this year. Dapat kapag wala akong pasok, mag- jojogging na ako bawat umaga. Mag- aaral na rin ako nang mabuti. Ang simple tingnan pero ang hirap gawin. Kayo kaya. Alam ko para sa aking kabutihan naman ‘yon. Good luck na lang sa akin. Sana nga this time matupad ko na yon. Mga 5 years ko na ata resolution ang sipagin sa pag- aaral pero wa- epek pa rin. Nag- aaral naman ako pero hindi as in hardcore na pag- aaral. Whew! Marami kasing temptation sa buhay. Basta I believe God will guide me. Kaya ko to. Another year ang natapos na kaya alam kong malalampasan ko rin ang susunod na mga taon pa. strong ata ‘to!
Ajah!

Created: January 3, 2009 Saturday

ang nangyari sa xmas ko!

Mula pa naman noong bata pa ako masaya ko habang naghihintay sa pagsapit ng pasko. Masaya kasi nakakawala ng stress and worries. Masasabing ito talaga ang time of joy and laughter. Ito ang unang pasko na hindi ko kasama ang aking pamilya pero gusto ko pa rin maging masaya ang pasko ko dahil kasama ko rin naman ang mga itinuturig kong pangalawang pamilya ko dito. Akala ko simple lang sila mag- celebrate ng pasko. Nasanay kasi ako sa bahy naming na parating may exchange gift kaming mag-anak. Akala ko ay ito rin ang unang pako na wala akong matatanggap na regalo. Wala rin kasing exchange gift sa block kaya mga ilang araw bago ang pako napagpasyahan kong regaluhan na lamang ang akig sarili. Bumili ako ng damit at ibang mga gamit na kakailanganin ko sa paaralan. Hindi ko nabili ang cellphone na nasa wish list ko ngayon. May nakita kasi akng mura pero magandang cellphone at gusto ko sanang bilhin ito para sa akin at ibihay na lang ‘yong lum ko sa kapatid ko. Ngunit kulang ang perang naipon ko ngayon kaya next year na lang. Bumili ri ako ng ibang panregalo ko sa Christmas. Nahirapan pa akong itago at ibalot para maging surprise. Ang hindi ko alam nag-last minute shopping dip ala ang tita ko para mamili. Namili siya ng rgalo para sa lahat. Pagkatps niyang mabalot iyon ay inilagay niya sa Christmas tree naming sa sala. Ipinamigay iyon noong noche Buena kasama ng mga regalo ko. Well, ngayong taon nakatanggap ako ng dalawang pantalon mula sa tito ko at dalawang shirt mula sa pinsan ko. Nakatanggap din ako ng bagong Chuck Taylor shoes galing sa tito at tita ko para daw may magamit ko sa pag-aaral. Napatunayan ko talagang pamilya na ang turing nila sa akin. Ang pasko hindi lang naman nakasentro sa mga regal. Pampadagdag lamang iyon sa kasayahan. Siyempre masaya kapag nakakatanggap ka ng regalo mula sa iba at alam mong talagang magagamit mo iyon. Masaya rin ang feeling ng nakakapagbugay ka ng tuwa kahit sa mga simpleng regalo lang. Marami ang inihandang pang-noche Buena noong pasko. Marami kasing darating na pinsan ko na nakaugalian nang mag-pasko at magbagong taon sa bahay ng tita ko bukod pa sa mga pamangki ng tito ko na naroon din. Tumulong ako sa pagluluto. Bukod sa pagnunukas ng regalo, ang pagluluto at paghahanda ng noche buena ang isa sa mga pinakagusto ko tuwing pasko. Bumili ako ng ice cream. Iyon lang kasi ang nakayanan ko at cake namn sa pinsan ko. Pati ang mga boders sa bahay sa amin na rin naki-pasko dala ng kani-kanilang mga handa. Masasabi ring araw ng pagdiriwang ng mga pamilya talaga ang pasko. Bukod sa bahay ng tita ko, mga 5pm-8pm din ako sa bahay ng lola ko. Gusto niya raw kasi akong makita kasi nagkikita lang kami tuwing Nobyembr sa puntod ng lolo ko sa Libingan ng mga Bayani. Dumating din kasi ng anak niyang galing Hongkong kaya may pasalubong akong chocolate galing sa kanya. May isang kahon ng brownies pa siyang binigay na pandagdag sa noche Buena namin. Dumating ang mga pinsan ko kasama ang mga makukulit kong pamangkin. Gabi na ako nakauwi ng bahay kaya hindi ko naabutan ang pinsan ko na nagmamadali ring umuwi upang makahabo ng noche Buena sa bahay nila. Hindi na kami nakatulog at hinintay na ang hatinggabi. May hinanda namang movie marathon ang tito ko upang hindi kami antukin. Tumawag ako sa mama ko at binati ko rin ang mga kaiboigan at kaklase ko. Tinanong nila kong umuwi ba ako dahil magkakaroon daw ng outing ang High School batch namin. Maliligo daw sila sa swimming pool at lahat ay kailangang sumama. Naaalala ko pa, doon kami parating pumupunta kapag may okasyon dahil malapit lamang ito sa aming paaralan. Miss ko na rin sila dahil noong huling umuwi ako doon noong Dec. 2007 ay hindi ko rin sila nakitang lahat dahil na rin nagmamadali akong umuwi agad dahil sa pasukan. Tumawag din ang best friend ko at iba ko pang mga kaibigan. Kaya masasabi kong wala man sila sa piling ko, masaya pa rin ang pasko dahil nakausap ko sila.

Created: December 29, 2008 Monday

Sunday, December 28, 2008

CHRISTMAS VACATION NA!!!!!!

Sobrang excited ako sa pagdating ng bakasyon. Ilang araw na kong nagco-countdown nito. Ngayon malayo na ako sa stress na dulot ng mga subject ko. OA man tingnan kasi halo isang buwan pa lang naman ang pasukan. Hindi ako uuwi ng probinsiya dahil na rin nangako ako sa aking pinsan na isasakripisyo ko muna ang pasko ko ngayon. Magdedebut kasi siya kaya para makadalo ako hindi ako umuwi. Pumayag naman ang mama ko nang magpaalam ako sa kanya kahit na alam niyang silang dalawa na laman ng kapatid ngayong pasko. Ngunit mula kasi nang mamatay ang papa ko sa bahay ng kapatid ng mama ko kami nagpapasko. Para na rin iyong isang mlakng reunion. Marami akong pinsan doon ko ang maiiwan doon kaya gusting-gusto niyang doon kami. Masaya ako sa bakasyon ngayon. Pwede na kasing gawin lahat ng gusto kong gawin tulad ng gumala, kumain, manood ng telebisyon at matulog kahit gaano katagal. Ngayon mababawi ko na rin lahat ng pagkakatong kailangan kong magpuyat dahil na lang sa lab reports na minsan ay inaabot ng mga 2am dahil sa dami. Pero nakakapagod din ang walang ginagawa. Naalala ko tuloy iyong nakasulat sa t-shirt nung lalaki sa mall. “Hindi bali tamad, hindi naman pagod”. Pero naisip ko, nakakapagod din kaya maging tamad. Ako lang mag-isa sa bahay dahil ako pa lang ang bakayon na sa klase. Mga 3 araw pa lang akong mag-isa sa bahay ngunit feeling ko tumataba na ako kaya naisipan kong linisin ang buong bahay. Hindi ko akalaing kaya ko palang buhatin ang king size bed naming ng pinsan ko. Kapag pasukan kasi hindi naman namin ito nalilinis kasi busy sa mga assignments kahit weekends. Nilinis ko na lahat ng kailangan kung linisin dahil wala naman akong magawa. Ilang araw ding masakit ang mga muscles ko pagkatapos noon. Nang maubos lahat ng gamit namin sa kalilinis naisipan ko naman gumala. Ito lang kai ang mga exercise na alam ko. Ayaw ko naman mag-jogging. At least hindi ko kailangan putulin ang tulog ko upang mag-exerise. Napatunayan ko na hindi naman kailangan gumastos ako. Masaya na ako nakakatanaw ng mga magagandang bagay. Maaga na rin akong namili ng pang-regalo magmamahal na kasi iyon sa susunod na mga araw ngunit kunti lang kasi wala naman akong pera. Ngayon habang tumatagal hindi naman pwedeng araw-araw ako gumala. Ngayong wala na akong ginawa kundi magbasa ng Archie’s komiks. Buti na lang maraming dinalang komiks ang tito ko mula sa kakilala niya. Natapos ko na rin basahin ang apat na twilight books. Madami pa namang araw ang natitira sa bakasyon kaya magagawa ko pa namang worthwhile ang bakasyon ko. Depende naman iyon sa kung paano mo tinitreasure iyong mga oras na lumilipas.

UP CENTENNIAL LANTERN PARADE

Masayang experience ang lantern parade na ginanap noong ika-17 ng Disyembre sa UPD. Siguro dahil pinaghandaan itong mabuti dahil ginugunita ang ika-100 taon ng pagkakatatag ng unibersidad at dahil na rin kauna-unahang lantern parade ito na dinaluhan ng lahat ng UP campuses. Dati kasi katulad noong isang taon, kanya-kanyang ginaganap ito ng bawat campuses at mga kolehiyo lamang nila ang mga nagpapaligsahan ngunit iniba nila ito ngayon upang magsama naman lahat ng mga estudyante ng UP. Espesyal ito para sa akin. Bukod sa minsan lang magdidiwang ng centennial ang paaralan ito din ang unang pagkakataong aatend ako ng lantern parade. Hindi ako nakasama noong isang taon dahil na rin umuwi ako sa aming probinsiya. Masaya ang naging parada dahil na rin mraming tao ang nanonood at marami ang nakilahok. Nakakapagod lang din dahil malaki ang oval sa Diliman at mahaba din ang naging parada. Makikitang inaghandaan ng lahat ang araw na ito dahil sa ganda ng mga dinisenyuhang floats na ginamit sa parada. Para sa akin napakgarbo ng mga disenyo kaya mahihirapan kang pumili ng pinakamaganda. Nakakaaliw tingnan ang mga ito lalo na ang presentasyon ng kolehiyo ng Fine Arts. Pinatunayan lamang nila ang kanilang galing sa larangang ito. Marami nga ang sumali. Sa haba ng parada natapos ito ng ika-7 ng gabi. Kumain muna kam sa tabi-tabi lamang. Sa totoo lang, mas mura ang mga pagkain doon keysa sa sa UPM. Nang matapos kami, tamang-tama ito para sa inaasahan naming fireworks display. Kaya isinakripisyo namin ng pag-uwi ng maaga sakay ng MRT na nagsasara ng 9pm para lang hintayin ang fireworks. Pero dahil huli na nang mag-umpisa ang parade, huli na rin ito ng matapos. Kahit anong mangyari sulit pa rin ang paghihintay dahil sa ganda ng fireworks. Korny man pero totoong “no words can describe the beauty of it”. Nang matapos ‘yon nahirapan kaming makalabas ng camous. Sa dami ng tao, halos lahat ng sasakyan ay puno na. dahil na rin wala nang MRT nakauwi ako ng bahay ng mga 11pm ng gabi. Buti na lamang at huling araw na iyon at bakasyon na rin. Super excited na ako sa bakasyon.

2ND SEM NA NAMAN

Pangalawang semestre na ng taon. Hindi ko masasabing excited ako dahil may apat na taon pa kaming bubunuin bago makapagtapos ng kolehiyo sa Dentistry. Sa tingin ko ay magiging isang malaking adbentyur ang semestring ito. Bakit? –kasi mayroon akong subject na Kemistry. Hindi naman sa ayaw ko ng kemistry, sa katunayan gusting-gusto ko ito noong high school. Ngunit noong kumuha kasi ako nito last year eh mababa ang nakuha kong marka kaya medyo nakakatakot siya. Lalo na ngayon at naging mas mahirap pa ito dahil organic kemistry na ito. Kailangan talag ng tiyaga dito. Iyon lang naman ang medyo mahirap na subject ngayong taon bukod pa sa PI 100 na pg-aaral sa buhay at mga gawa ni Jose Rizal. Hindi naman sa ayaw ko kay Rizal. Masay kaya talakayin ang Noli at Fili niya. Pero ang mga subject na medyo related sa kasaysayan ay nangangailangan ng pagmememorya. Ayaw ko pa naman ng magmememorya ng kng anu-ano. Naalala ko tuloy ang Kasaysayan 2 ko noong isang semestre. Tungkol ito sa kasaysayan ng Asya at kailangan ay memoryado mong lahat ng mga pangyayari doon. Idagdag mo pa ng mga tao, lugar at petsa. Nakakabangag din ‘yon. Ikaw ba naman ang bigyan ng eksam na aabot ng apat na raang puntos. Okay lang ang 400 puntos kung essay lahat. Ngunit hindi naman lahat pahirap sa semestreng ito. Nariyang ang Hum 2 kung saan hindi kailangang mastress ka. Kaya nga may mga GE subjects pa para saluhing ang lumulubog na mga mga GWA dahil sa mga majors. Basta wish ko lang maging masaya at worth taking ang semestreng ito. Sa tingin ko naman hindi mahirap iyon. i just want to enjoy life as much as I want to learn from it